Philippine Health Security Act, aprubado na sa komite ng Kamara

Lusot na sa House Committee on Health ang unnumbered substitute bill para sa isinusulong na Philippine Health Security Act.

Labing apat na panukala ang iko-consolidate ng komite na layong magtatag ng health security national action plan upang tugunan ang mga sakit sa hinaharap.

Layunin ng panukalang ito na bigyang proteksyon ang mga Pilipino laban sa anumang banta sa health security.


Palalakasin ng panukala ang disease prevention, surveillance, control at response ng bansa gayundin ang pagpapatupad ng contingency plan para tugunan ang mga public health events at emergencies, paglalabas ng mga biological o chemical agents na makakaapekto sa kulusugan ng mga tao, o anumang pag-atake sa health care delivery system.

Nakapaloob din sa panukalang batas ang pagpapalakas ng mekanismo para sa Health Security Interface, maka-develop ng epektibong pamamaraan ng komunikasyon, at makapagbigay ng framework para magabayan ang implementasyon ng health security national action plan.

Magtatatag din ng National Public Health Emergency Council para matiyak ang efficient at competent na pagpapatupad ng national health security.

Facebook Comments