Philippine Marines, inirekomendang ipalit sa SAF sa Bilibid ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbalik ng operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Pison.

Sa briefing ni Abella sa Malacañang ay sinabi nito na kinausap na ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa si Pangulong Duterte para ipaalam ang balita at inirekomenda na palitan ng Philippine Marines ang mga miyembro ng PNP Special Action Force o SAF na nagbabantay sa NBP pero hindi pa ito maipatutupad dahil nakikipagbakbakan pa ang Marines sa Marawi City.

Ayon kay Abella, ang paglaban sa operasyon ng iligal na droga sa bilibid ay isa sa mga malalaking napagtagumpayan ng administrasyon.


Ang pagbabalik aniya ng droga sa bilibid nagpapakita lamang ng laki ng operasyon nito sa bansa.

Tiniyak din naman ni Abella na hindi na mapapagod ang administrasyon sa paglaban sa iligal na droga na nagpahirap sa buhay ng maraming Pilipino.

Facebook Comments