Manila, Philippines – Tumanggap ang Philippine Marines ng mga bagong counter-terrorism weapons at equipment mula sa Estados Unidos.
Ang mga armas at kagamitan ay donasyon ng Us, kung saan kabilang dito ay 300 na m4 carbines, 200 na glock 21 pistol, apat na m134d gatling-style machine guns, at 100 na m203 grenade launchers.
Bahagi ng counterterrorism train and equipment program ng US ang pamamahagi ng mga armas at kagamitan sa Pilipinas.
Ayon kay Marines Chief Major Gen. Emmanuel Salamat – ilan sa mga ibinigay na armas ay gagamitin ng militar sa Marawi City.
Bukod dito, una nang natanggap ng Philippine Marines ang dalawampu’t limang (25) bagong combat rubber raiding craft na may outboard motors mula sa US.
Sa loob ng limang taon, naglaan ang US government ng P15 billion na grant funding para sa Philippine Military.
DZXL558