Lusot na sa Bicameral Conference Committee ang landmark measure na nagdedeklara sa karapatan ng bansa sa ating maritime zone o ang Philippine Maritime Zones Act.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, pangunahing may-akda at sponsor ng panukalang batas, ito ang unang pagkakataon na gagamitin at nakapaloob sa isang batas na ipapasa ng Kongreso ang termino na West Philippine Sea.
Papalitan din ang pangalan ng Philippine Rise sa “Talampas ng Pilipinas”.
Kumpyansa si Tolentino na magiging maliwanag na ang ating karapatan sa ating maritime zone at magiging malinaw ang boundary kung saan maaaring maglayag at mangisda ang mga Pilipino.
Susunod nito ay raratipikahan ng Senado sa pagbabalik sesyon ang panukala at iaakyat ito sa Tanggapan ng Pangulo para tuluyang malagdaan at maisabatas.