Philippine Maritime Zones Act, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Senado

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill 2492 o ang Philippine Maritime Zones Act.

Layunin ng panukala na iniakda ni Senator Francis Tolentino na na ideklara ang karapatan at mga entitlements ng Pilipinas sa mga maritime zones kabilang ang mga underwater features na dapat ay mapapakinabangan ng mga Pilipino.

Itinutulak ni Tolentino na Chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, ang panukala upang maipakita na ang Pilipinas ay sumusunod sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa pagtatatag natin ng mga maritime zones.


Binigyang diin pa ng senador na mapapalakas din ng panukala ang claim ng bansa sa mga pinagaagawang teritoryo at hindi rin natin inaabandona ang karapatan ng bansa tulad sa Sabah.

Naunang inihayag ni Tolentino na napapanahon at kailangan ng magkaroon ang Pilipinas ng Maritime Zones Act dahil hindi lamang ito isang obligasyon kundi higit sa lahat ay kailangan ito para sa national, economic at environmental security ng bansa.

Facebook Comments