Philippine media, pinapupunta ni Chinese Premier Li Keqiang sa kanilang bansa

Manila, Philippines – Inimbitahan ni Chinese Premier Li Keqiang ang Philippine Media na magpunta sa China at maging bahagi ng kasaysayan sa pagpapakalat ng mga istorya ng gumagandang relasyon ng Pilipinas at China.
Ayon kay Premier Li, alam naman ng lahat na mayroong panahon na mayroong pagdududa sa relasyon ng Pilipinas at China.
Pero ngayon aniya ay naniniwala siya na panahon na para ikwento ng dalawang bansa ang kanya kanyang magandang istorya at sa pamamagitan ng Media ay maipaabot ito sa buong mundo.
Welcome aniya ang Philippine Media sa China at tingnan ang mga magagandang pagbabago at maging tulay sa magandang hinaharap ng Philippine China Relations.

Facebook Comments