Hindi sapat ang bilang ng mga COVID-19 testing center sa bansa.
Ayon kay Philippine Medical Association President Dr. Jose Santiago Jr., kailangan pa ng mas maraming testing center para mapabilis ang diagnosis sa sintomas ng mga taong hinihinalang may COVID-19.
Katunayan, marami aniyang naka-pending na aplikasyon para sa mga testing center.
Kaya panawagan niya sa Department of Health (DOH), bilisan ang pag-apruba at pagbibigay ng sertipikasyon sa mga laboratoryo para mapahusay ang mass testing.
Ayon kay Santiago, sa 74 na laboratoryong nag-a-apply sa DOH, 20 pa lang ang nasesertipikahan bilang testing centers.
Ayon naman sa DOH, tuloy-tuloy ang koordinasyon ng ahensya sa mga laboratoryong sumasailalim sa licensing process para sa COVID-19 testing.
Samantala, target ng DOH na mapataas sa 30,000 test per day ang testing capacity nito sa katapusan ng Mayo.