Philippine Medical Association, may panawagan sa mga magulang kaugnay sa pagtungo sa mga mall kasama ang kanilang mga anak

Nanawagan ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga magulang na huwag munang isama ang kanilang mga anak sa mga mall.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang dalawang taong gulang na bata, tatlong araw matapos magtungo sa mall.

Ayon kay Dr. Benito Atienza, Presidente ng Philippine Medical Association, high risk pa rin sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 ang mga bata dahil wala pa itong natatanggap na bakuna kontra COVID-19.


Magpupulong ngayong araw ang mga eksperto na binuo ng Metro Manila Council (MMC) kasama ang City Health Officer ng bawat lungsod para tignan kung may kailangang baguhin sa polisiya o magtalaga ng guidelines.

Sa ngayon, wala pang aprubadong bakuna para sa mga kabataang edad 11 pababa.

Facebook Comments