Nagbabala ang Philippine Medical Association laban sa mga doktor na nagrereseta ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa labas ng mga ospital na binigyan ng compassionate use permit.
Ayon sa PMA, una nang ibinabala ng Food and Drug Administration ang pamamahagi ng hindi rehistradong gamot na magiging paglabag sa FDA act of 2009.
Ito ay matapos ang pahayag na rin ni Health Secretary Francisco Duque III na dapat imbestigahan ng FDA ang mga ulat na pamamahagi ng reseta para makakuha ng Ivermectin sa Quezon city.
Matatandaang dalawang mambabatas na sina Cong. Rodante Marcoleta at Cong. Mike Defensor ang nanguna sa pamamahagi ng Ivermectin at isinulat lamang ang reseta sa isang papel at hindi sa prescription pad.
Sa kasalukuyan ay limang ospital pa lamang sa bansa ang binigyan ng compassionate use permit ng FDA.