Marami sa ating kababayan ang mahilig mag-stroll, mamasyal at mag motorcycle rides kung kaya’t humigit-kumulang limangdaan riders ang nakilahok sa Philippine Motorcycle Tourism Region 1 Ride na isinagawa kahapon lamang October 24 ngayong taon.
Nagsimula ang nasabing aktibidad sa bayan ng Bayambang kung saan isinagawa muna ang registration, Kick off Program, Mass at Blessing of Motorcycles sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Sumunod naman sa bayan ng Calasiao at nag tungo rin sila sa Lingayen Beach Capitol hanggang sa Hundred Islands sa Alaminos City.
Layunin ng aktibidad na ito ay tuklasin ang ganda ng probinsya ng Pangasinan at makatulong sa pagsulong ng turismo ng bansa sa pamamagitan ng kanilang ligtas at sama-samang pagbiyahe sa buong rehiyon uno. Ride safe always mga idol, mula rito sa IFM DAGUPAN! |ifmnews
Facebook Comments