Philippine National Football Team na Filipinas, kinilala sa Kamara

Courtesy: Philippine Women's National Football team

Inihain sa Kamara ang isang resolusyon na nagbibigay pagkilala sa Philippine National Football Team na Filipinas sa kanilang pagkapanalo ng kampyeonato ng ASEAN Football Women’s Championship.

Sa resolusyong inihain nina PBA Party-list Rep. Margarita “Migs” Nograles at Pinuno Party-list Rep. Howard Guintu, nakasaad dito na nagsilbing inspirasyon para sa bawat Pilipina at Philippine sports team ang “exceptional performance” ng Pilipinas sa AFF Women’s Championship, dahilan para masungkit nito ang kauna-unahang kampyeonato ng bansa sa patimpalak.

Hindi lang din anila nagbigay karangalan sa bansa ang national team ngunit maging sa Philippine football community.


Nitong July 17, tinalo ng Pilipinas ang Thailand sa AFF Women’s Championship sa score na 3-0.

Maliban naman sa Philippine football team, mayroon ding hiwalay na resolusyon para bigyang papuri ang mga kinatawan ng Philippine Taekwondo National Team sa kanilang performance sa 2022 Chuncheon Korea Open International Taekwondo Championships na nakapag-uwi rin ng mga medalya.

Facebook Comments