Philippine National Oil Company Renewables Corporation, hindi na pabibigyan ng budget para sa susunod na taon

Hindi na irerekomenda ni Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian na mabigyan ng budget para sa susunod na taon ang Philippine National Oil Company Renewables Corporation (PNOC-RC) na subsidiary ng PNOC.

Ang pasya ni Gatchalian ay kasunod ng rekomendasyon ng Government Commission for Government Owned and Controlled Corporations (GCG) noon pang Marso na buwagin na ang ahensya dahil sa pagkalugi sa mga nakalipas na taon.

Lumabas sa budget hearing ng Senado na mula noong 2013 hanggang 2019 ay umabot sa mahigit 301.4 million pesos ang net loss ng PNOC-RC.


Dahil dito ay iminungkahi ni Gatchalian na ilipat ang mga staff at opisyal ng PNOC-RC sa PNOC main at ilagay sila sa ibang mas produktibong proyekto.

Paliwanag naman ni PNOC-RC President John Arenas, nagsumite sila ng plano para sa malalaking proyekto na daan para makabawi sila sa pagkalugi pero hindi nila maisagawa dahil sa maliit nilang budget.

Facebook Comments