Philippine National Police at Department Of Education nagsanib-pwersa para sa kampanya kontra bullying kasabay ng pagbubukas ng klase bukas

Nagsanib-pwersa ang Philippine National Police (PNP) At Department Of Education (DepEd) para sa kampanya kontra bullying sa eskwelahan.

 

Kaugnay ito sa pagsisimula ng klase sa mga public schools sa lunes, June 3.

 

Ayon sa DepEd, hindi nila babalewalain ang insidente ng pam-bubully sa pribado man o pam-publikong eskwelahan.


 

Kasabay nito nagpaalala ang ahensya sa publiko at pribadong eskwelahan na dapat ay mayroong child protection committee o may umiiral na anti-bullying policies na dapat ipatupad.

 

Ang paaralan na hindi sumunod sa anti-bullying policy ay tatanggalan ng permit to operate.

 

Ayon kay DepEd Legal Service Chief Administrative Officer Suzette Gannaban-Media,  nakakaapekto ang bullying hindi lamang sa isipan kundi ng isang bata kundi pati narin sa pag-aaral.

 

Nagpaalala naman ang PNP sa mga biktima ng bullying na i-report agad sa malapit na ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments