Philippine National Police, hinamon si UN special rapporteur Agnes Callamard na magbigay ng rekomendasyon para maresolba ang problema ng droga sa bansa

Manila, Philippines – Hinamon ng Philippine National Police sa United Nations special rapporteur Agnes Callamard na magbigay ng rekomendasyon para maresolba ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson, Sr/Supt. Dionardo Carlos – kung mayroong mairerekomendang paraan si Callamard para mapatigil ang apat na milyong pinoy sa paggamit ng iligal na droga ay ilatag niya ito.

Paliwanag ni Carlos, sa ngayon ay may mga paraang ginagawa ang PNP para maaresto at matulungan ang mga drug offenders sa pamamagitan ng kanilang ginagawang oplan tokhang at umaabot na sa mahigit 1.2 milyon ang surrenderrers.


Giit ni Carlos, sanay makipag-ugnayan din si Callamard sa Inter Agency Committee on Anti-illegal Drugs at National Anti-drug Plan of Action upang matukoy ang totoong ginagawa ng PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan para makatulong na masolusyunan ang problema sa ilegal na droga.

DZXL558

Facebook Comments