Philippine National Police – isinailalim na sa full alert status kasunod ng pagsisimula ng ASEAN summit

Manila, Philippines – Isinailalim na ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang buong kapulisan sa full alert status ngayong araw para sa 30th ASEAN Summit sa Metro Manila ngayong Linggo.

Sa press briefing sa Camp Crame – ipinag-utos ni Dela Rosa ang regular na pag-audit sa mga PNP personnel upang matiyak na may sapat na tauhan na maaaring ideploy kung kinakailangan sa ASEAN summit lalo na’t kailangang maging handa sa anumang hindi inaasahang pangyayari.

Bagamat walang na momonitor na anumang banta ng terorismo sa ASEAN Summit, tiniyak ni Bato ang walang dapat makalusot sa PNP.


Kahapon isinagawa ang send-off ceremony ng aabot sa apatnapung libong na mga multi-agency contingent para sa summit kung saan higit dalawampu’t pitong libong PNP personnel na ang ipinakalat sa iba’t ibang task group at idineploy sa close-in VIP security para sa mga delegado, magbabantay sa route security at airport, sa tutuluyan ng delegado at pagdadausan ng event.

Kasabay nito, nanawagan si Dela Rosa sa publiko na makiisa at unawain ang mahigit na seguridad na ipinapatupad ng PNP.

Target ng PNP ang ‘zero incident’ sa ASEAN Summit mula sa simula hanggang ito ay matapos.
DZXL558

Facebook Comments