Philippine National Police, pina-iimbestigahan na ang kumalat na memo kaugnay sa pag-atake ng Maute Group sa Metro Manila

Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine National Police na may banta ang Maute terror group sa Metro Manila.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang isang memo na nagsasabing nasa Maynila na ang ilang miyembro ng Maute Group.

Dito ay nagpa-plano “umano” ang mga ito na umatake sa matataong lugar sa kalakhang Maynila.


Iginiit naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos – hindi beripikado ang laman ng naturang memo.

Ayon pa sa opisyal – walang banta sa seguridad sa Metro Manila.

Kaugnay nito, inalis muna sa puwesto ang pulis na nakapirma sa nabanggit na memorandum habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil dito.

Ipinag-utos na rin ni NCRPO Chief Oscar Albayalde sa Northern Police District na imbestigahan ang proseso sa paghawak nila ng mga dokumento sa Valenzuela police station.

Facebook Comments