MANILA – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na wala silang natatanggap na banta sa seguridad mula sa mga rebeldeng grupo kasabay ng paggunita sa ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power revolution.Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, wala silang namomonitor na terror threat base sa kanilang mga intelligence units.Giit ng opisyal, patuloy ang kanilang koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para masigurong sapat ang seguridad sa anibersaryo ng People Power.Hiniling rin ni Marquez ang kooperasyon ng publiko upang masigurong ligtas na maisasagawa ang kaliwa’t kanang aktibidad.Samantala, nakatakdang mag-deploy ng higit sa 100 sundalo ang AFP sa mga lugar na magiging sentro ng pagdiriwang kabilang na ang EDSA People Power Shrine sa Ortigas at EDSA People Power Monument sa Whiteplains.Kasabay nito, nanawagan ang Chemical Safety and Zero Waste Advocacy Group sa mga Pilipino na magkaisa at ipakita ang ‘people power’ upang protektahan ang kapaligiran.Ayon sa Ecowaste Coalition, kailangan ng people power para maghalal ng mga lider ng bansa na mangunguna sa pagpuksa sa paninira sa ecosystem at kokontrol sa polusyon sa kalikasan.Marami pang iligal na dumpsite ang nag-ooperate pa rin kahit na higit isang dekada nang naipasa ang batas laban sa mga ito.Paalala pa ng grupo, hindi limitado ang people power sa pagsasagwa lamang ng mga protesta kundi sa pagkalinga sa kaliksan at pagboto ng tama. (DZXL 558 – Reilyn Arceta)
Philippine National Police, Walang Natatanggap Na Banta Sa Seguridad Sa Pagdiriwang Ng Ika-30 Anibersaryo Ng Edsa People
Facebook Comments