Philippine National Railways (PNR), magtataas ng pamasahe sa suusnod na buwan

Manila, Philippines – Magtataas ng pamasahe ang Philippine National Railways (PNR) sa susunod na buwan.

Ayon sa kanilang official website , itataas ng PNR sa P15.00 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P12 sa unang 14 na kilometrong biyahe ng tren.

Magdadagdag naman ito ng P5 sa kada susunod na zone.


Ang taas-pasahe ay isasagawa ng PNR para maisaayos ang kanilang serbisyo sa mga pasahero kung saan ipapatupad ito sa July 1.

Facebook Comments