Philippine Navy at ADMU, namigay ng relief goods sa mga Badjao sa Cavite

Sanib pwersa ang Philippine Navy at Ateneo De Manila University sa paghahatid ng tulong sa mga mahihirap na Badjao community na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cavite.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt. Commander Maria Christina Roxas, namahagi sila ng mga relief goods sa mga residente ng Brgy. 5 at Brgy. 7 sa Dalahican, Cavite City, kahapon.

1,000 food packs ang kanilang ipinamahagi mula sa donasyon ng Tanging Yaman Foundation ng Ateneo.


Bawat family food pack ay may lamang limang kilo ng bigas, kalahating kilo ng dried fish, mga delata at pakete ng kape.

Tiniyak naman ng Philippine Navy, na patuloy ang kanilang pakikipag-partner sa mga stakeholder nang sa gayon ay makatulong sa mga komunidad na apektado ng ECQ dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments