Walang namataan o na-monitor na barko ng China sa radar ng mga barkong pandigma ng Philippine at US Navy na nagsagawa ng Maritime Cooperative Activity (MCA) sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kahapon.
Magkagayunman, ayaw mag-speculate ng Philippine Navy kung bakit wala silang na-monitor na Chinese vessels sa West Philippine Sea o WPS sa pagtatapos ng aktibidad.
Kahapon, maaalalang sabayang nagpatrol ang USS Mobile ng US Navy at BRP Ramon Alcaraz sa Kanlurang karagatan ng Palawan.
Maaalalang sa mga nakaraang MCA ay mayroong mga namataang Chinese vessels kasabay ng joint sail.
Layon ng MCA na mapahusay ang komunikasyon at operational coordination sa pagitan ng dalawang pwersa.
Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ang communication checks, division tactics at cross-deck exercises.