Philippine Navy, inabutan ng tulong ang mga biktima ng sama ng panahon sa Zamboanga

 

Nagkasa ng relief operation ang Naval Forces Western Mindanao katuwang ang ilang pribadong organisasyon para tulungan ang mga naapektuhan ng sama ng panahon sa Zamboanga City.

Dito’y namahagi ang mga tropa ng mga relief pack na naglalaman ng 2 kilo ng bigas, canned goods, noodles at inuming tubig sa 75 pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.

Ang mga biktima ay mula sa Barangay Pamucutan at Sitio Anuling na lumikas dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng Southwest Monsoon noong nakalipas na Linggo.


Kasama sa mga napagkalooban ng tulong ang pamilya ng mag-inang nasawi sa mudslide sa Sitio Anuling.

Kasunod nito, laking pasasalamat ng mga residente sa Philippine Navy dahil sa dala-dala nilang mga ayuda.

Facebook Comments