Philippine Navy, ipagpapatuloy ang RORE Missions at maritime air surveillance sa kabila ng de-escalation talks sa China

Nanindigan ang Philippine Navy na kanilang ipagpapatuloy ang Rotation & Resupply Missions at maritime surveillance flights  sa kabila ng napagkasunduan sa pagitan ng China na pababain ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, patuloy nilang minomonitor ang bilang ng mga barko ng China sa WPS.

Batay sa datos, bagamat nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng mga barko ng China sa WPS sa nakalipas na buwan at bahagyang tumaas lang ngayong linggo, kailangan pang patunayan kung may kinalaman ito sa nakaraang bilateral consulation mechanism.


Bukod sa pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa WPS, sinabi ni Trinidad na walang ibang aksyon na namonitor ang Pilipinas mula sa China na nagpapakita ng pagbawas ng tensyon sa South China Sea (SCS).

Sa panig ng Pilipinas, binigyang-diin ni Trinidad na ang bansa ay hindi kailanman nagpakita ng mga aksyon na nagpapataas ng tensyon at magpapatuloy lamang sa mga aktibidad nito sa WPS.

Facebook Comments