
Inihahanda na ng Philippine Navy ang kanilang BRP Dagupan City (LS-551) bilang bahagi ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) mission matapos ang 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa Cebu at karatig probinsya nitong Oct. 1, 2025.
Ang BRP Dagupan City ay handa na para sa deployment anumang oras para sa patuloy na suporta sa pambansang disaster response operations.
Nakaantabay din ang Naval Forces Central Medical Team upang magbigay ng agarang tulong medikal, habang nakikipag-ugnayan na rin sa Office of Civil Defense (OCD) Region VII para matiyak ang maayos at sabayang operasyon.
Kasunod nito, tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang buong suporta sa mga apektadong komunidad, kabilang ang pagbibigay ng relief, rescue operations, at seguridad sa mga nasalanta ng matinding lindol.










