Natanggap na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana mula sa gobyerno ng Estados Unidos ang apat na bagong eroplanong Cessna 172S Skyhawk para sa Philippine Navy.
Ang turnover, blessing at activation ceremony ay isinagawa kahapon sa Sangley Point, Cavite na pinangunahan ni Lorenzana, kasama si US Ires Heather Variava, AFP Chief of Staff Gen Andres Centino at Navy Flag Officer in Command Vadm Adeluis Bordado.
Ang apat na bagong eroplano ay nagkakahalaga ng 2.2 milyong dolyar na nakuha ng Pilipinas sa ilalim ng US Foreign Military Financing Program.
Ayon sa kalihim ang mga bagong eroplano ay gagamitin ng Philippine Navy Naval Air Wing para sa mas epektibong pagpapatrolya sa karagatan ng bansa.
Nagpasalamat naman ang kalihim sa Estados Unidos kasabay ng pahayag na ang matagumpay na aquisition program para sa mga bagong assets ay patunay ng makabuluhan at pang-matagalang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.