Philippine Navy, mayroong bagong barkong pandigma

Dumating na sa bansa ang bagong barkong pandigma ng Pilipinas bilang bahagi ng tuloy-tuloy na modernisasyon ng Sandatahang Lakas.

Kahapon, sinalubong ito ng BRP Jose Rizal (FF150), ang kauna-unahang guided-missile frigate ng bansa, at sabay silang naglayag sa may 14 nautical miles hilagang-kanluran ng Botolan, Zambales.

Ayon sa Philippine Navy, papangalanan ang bagong barko bilang BRP Diego Silang.

Dadaan muna ito sa huling inspeksyon, acceptance procedures, at commissioning bago tuluyang maging bahagi ng active fleet.

Dagdag pa ng Navy, mas lalo nitong mapapalakas ang kanilang operational readiness, maritime protection, at depensa sa karagatan upang matiyak ang ligtas at malayang paglalayag sa ilalim ng rules-based international order.

Facebook Comments