Nagdala ng tulong ang Naval Forces Eastern Mindanao sa pamamagitan ng BRP Tagbanua sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagbaha sa Davao Oriental.
Kabuuang 19, 170 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI ang naihatid nitong Linggo sa mga nasalanta ng pagbaha.
Ito’y matapos na maantala ang relief operations dahil sa pagkasira ng mga daan at tulay bunsod ng landslides dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga munisipyo ng Caraga, Lupon at Mati City.
Dahil dito, ginamit ng Philippine Navy ang kanilang mga barko para makapaghatid ng relief supplies sa mga komunidad na na-isolate dahil sa baha.
Kasunod nito, nangako ang Naval Forces Eastern Mindanao ng kooperasyon sa mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor sa paghahatid ng tulong sa panahon ng sakuna o emergency.