Lumalahok na ngayon ang Philippine Navy sa ginagawang Rim of the Pacific 2020 (RIMPAC20) Naval Exercise sa Hawaii.
Ang representante ng Philippine Navy sa pagsasanay ay ang BRP Jose Rizal (FF150), ang kanilang pinakabagong barko.
Sakay ng BRP Jose Rizal ang Naval Task Group 80.5 na pinamumunuan ni Capt. Jerry Garrido Jr.
Ayon Kay Capt. Garrido, bukod sa pagsasanay sa combined naval operations kasama ang ibang mga Navy, layunin din ng exercises ay ang pagkakaroon ng pagkakataon sa mga crew ng BRP Jose Rizal na makasama sa isang team dahil karamihan ay sumailalim sa magkakahiwalay na training.
Dahil naman sa umiiral na pandemya, ang RIMPAC20 sa taong ito ay limitado sa “at sea” activities para mapangalagaan ang kalusugan ng mahigit 5000 Navy men na kasali sa exercises.