Philippine Navy, nakasabat ng P2.5-M halaga ng smuggled na sigarilyo

Naharang ng BRP Rafael Pargas isa sa Philippine Navy ships na naka-deploy sa Naval Forces Eastern Mindanao ang isang motorized watercraft na puno ng smuggled na sigarilyo.

Ayon kay Naval Forces Eastern Mindanao Public Affairs Officer LCdr. Jerome Mauring, partikular na nasabat ang kontrabando sa karagatang sakop ng Maitum, Sarangani Province nitong Miyerkules.

Aniya, nagsasagawa noon ang BRP Rafael Pargas ng territorial defense operations nang mamataan ang kahina-hinalang motorized watercraft.


Agad ininspeksyon ang bangka at natuklasang walang papeles ang lulan nitong 114 master cases ng mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

Galing aniya ang kontrabando sa Jolo, Sulu.

Agad naman itinurn over ang mga tripulante at kontrabando sa mga otoridad para sa proper disposition.

Facebook Comments