Philippine Navy, nilinaw na hindi nasunog ang isa kanilang patrol vessel sa Subic

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine Navy na hindi nasunog ang kanilang offshore patrol vessel ang BRP Gregorio del Pilar (PS-15) matapos makita ang makapal na usok mula mismo sa barko habang nagsasagawa ito ng sea trial sa karagatan ng Subic nitong Lunes.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, walang katotohanan na nasunog ang kanilang barko sa kabila ng pagbuga ng makapal na usok habang on-going ang sea trial.

Nagpapatuloy aniya ang pagche-check ng kanilang ship’s force kasama ng kanilang mga engineers at kinontratang repair specialist kung ano ang posibleng sanhi ng pagbuga nito ng makapal na usok.


Sinabi pa ni Negranza na ang isinagawang sea trial ay siyang panukat ng seaworthiness ng PS-15, matapos sumailalim ito sa repair dahil sa pagkakasadsad nito sa may bahagi ng Hasa-Hasa Shoal noong August 2018.

Ang PS-15 ay dating in service sa US Coast Guard bilang Hamilton-class high endurance cutters.

Facebook Comments