Mula sa ginanap na press briefing ngayong umaga, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, na reaksyon umano ng China sa idinaos na civilian mission ng ‘Atin Ito’ ang pagdoble ng bilang ng Chinese Vessels sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Navy, nasa 55 barko ng China ang na-monitor sa Bajo de Masinloc mula May 14 hanggang 20, kung saan halos doble ng 28 barkong naobserbahan noong May 7 hanggang 13.
Matatandaang nauna nang nanawagan ang National Security Council (NSC) na magsagawa ng international inspection mula sa third party inspectors upang makumpirma ang totoong sitwasyon sa Bajo de Masinloc.
Kasunod ito ng mariing pagtanggi ng China sa binabanggit na “environmental destruction” na kasalukuyang ginagawa umano nila sa naturang isla.