Philippine Navy, patuloy ang patrolya sa West Philippine Sea matapos ipag-utos ng Pangulo ang resumption ng oil at gas exploration sa lugar

358

Tiniyak ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Bacordo na patuloy nilang gagampanan ang kanilang mandato na protektahan ang karagatang sakop ng Pilipinas maging ang mga gagawing oil exploration at surveys.

Ito ay matapos ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa resumption ng oil at gas exploration sa West Philippine Sea na gagawin ng Department of Energy.


Ayon kay Vice Admiral Bacordo, hindi niya alam ang magiging epekto nito sa nagpapatuloy na territorial dispute sa West Philippine Sea.

Pero, siniguro niya na magpapatuloy ang kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Tiniyak din ni Bacordo na bibigyan nila ng mahigpit na seguridad ang team ng Department of Energy na magsasagawa ng oil exploration at surveys sa West Philippine Sea.

Facebook Comments