Philippine Navy, sumaklolo sa lumubog na Vietnamese vessel sa WPS

Photo Courtesy: Philippine Navy

Dali-daling tumulong ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy matapos makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang Intelligence, Surveillance, and Reconnaissance Division hinggil sa lumubog na Vietnamese fishing vessel sa Qurino (Jackson) Atoll, isang Filipino traditional fishing ground sa bahagi ng West Philippine Sea nitong Martes, July 30, 2024.

Ayon kay Commander JP Alcos, Director, Naval Public Affairs Office base sa report sa kanya ni PS16 Commanding Officer, LCdr. Christofer Neil Calvo dumating ang kanilang team isang oras matapos matanggap ang impormasyon kung saan agad silang nag-deploy ng rescue team.

Basa sa imbestigasyon, ang nasabing Vietnamese fishing vessel ay walang personnel onboard at wala ding naitalang oil spill bagama’t may mga nakalutang na pagkain at inumin sa paligid nito nang matagpuan ng mga tauhan ng Phil. Navy.


Sa hindi naman kalayuan, namataan ang isa pang Vietnamese fishing vessel kung saan ang mga ito ang sumagip sa mga pasahero nang lumubog na fishing vessel.

Sinabi ni Commander Alcos na ang agarang pagresponde ng Phil. Navy ay pagpapakita ng matatag na ugnayan ng bansa at ng Vietnam.

Aniya, pinapahalagahan ng gobyerno ang partnership sa mga like-minded nations na nagsusulong ng rules-based international order sa rehiyon.

Facebook Comments