Philippine Navy target bumili ng karagdagang assets na may anti-submarine capabilities

Plano ng Philippine Navy na dagdagan pa ang kanilang mga assets na may kakayahang palakasin ang kanilang anti-submarine capabilities.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RADM. Roy Vincent Trinidad nakapagsumite na sila ng proposal para sa pagbili ng dalawa pang karagdagang corvettes o di kaya’y frigate.

Aniya malaki ang pangangailangan para sa karagdagang naval assets ng Pilipinas upang lalo pang mapalakas ang seguridad mula sa panlabas na banta.


Ito’y matapos na mamataan ang isang Russian attack submarine sa Cape Calavite sa Occidental Mindoro nito lamang Nov. 28,2024.

Sa kasalukuyan ani Trinidad, mayroong dalawang missile frigate ang Pilipinas, ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna na may kakayahan din sa anti-submarine warfare.

Habang may dalawang guided missile corvette at anim na offshore patrol vessels ang kasalukuyang binubuo sa South Korea at dalawa pang landing docks ang binubuo naman sa Indonesia.

Facebook Comments