Philippine Navy, tiniyak na ligtas na makakapangisda ang mga Pilipino sa PAGASA Island

Tiniyak ng Philippine Navy na makakapangisda nang ligtas ang mga Pilipinong magtutungo sa PAGASA Island na bahagi ng Palawan.

Ayon sa ilang mangingisda, ito ay dahil babantayan na sila ng mga sundalo matapos ang naging pulong nila kahapon sa mga opisyal ng Navy.

Matatandaang madalas na nakakaranas ng pangha-harass ang mga Pilipinong mangingisda mula sa Chinese Navy na nasa PAGASA Island.


Una na ring sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Cirilito Sobejana na plano nilang i-convert ang PAGASA Island bilang logistics at recreational hub para sa mas maayos na pagpapatrolya ng ating mga sundalo.

Facebook Comments