Aabot sa 1000 set ng Personal Protective Equipment (PPE) ang tinanggap ng Philippine Navy mula sa PLDT-Smart Foundation.
Ayon Kay Philippine Navy Spokesperson Lieutenant Commander Maria Christina Roxas, ito ay binubuo ng 520 pirasong cover-all, 1000 pirasong N95 face masks, 1000 pares ng shoe cover, 1000 pares ng gloves, at 1000 pirasong goggles.
Tinanggap ni Director of Naval Operations Center, Captain Romel Marcos ang donasyon mula kay PLDT-Smart Foundation Representative Elvira Gumangan.
Sinabi ni Roxas na ang mga PPE ay ipamamahagi sa iba’t ibang Philippine Navy units at ospital tulad ng Manila Naval Hospital at Cavite Naval Hospital.
Nagpasalamat naman si Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Admin Giovanni Carlo Bacordo sa private sector stakeholders sa kanilang suporta na pagpapakita aniya ng “Bayanihan spirit” upang sama-samang labanan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.