Nakaaalalay pa rin ang Philippine Navy para mag-bigay ng tulong sa mga inidbidwal na apektado ng Bagyon Ramon sa Cagayan.
Ayon kay Naval Forces Northern Luzon Commander, Commodore Caesar Bernard Valencia, mahigit 50 pamilya na ang nabiyayaan ng relief goods ng kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Relief team.
Ang mga nakatanggap ng relief goods ay ang mga pamilya sa Barangay Kapanikian; Casambalangan, Limbus, at Dumasag sa Sta. Ana na una nang inilikas sa mga evacuation center.
Sa pag-landfall ng bagyong Ramon, 2 teams ang kanilang inpinadala sa Cagayan na syang nakikipag ugnayan sa PNP at PDRRMO.
Buko dito naka-standby na rin ang kanilang pwersa sa mga kalapit lalawigan gaya ng Batanes at Isabela at maging sa Bicol na may mga ulat ng pag-baha.
Samantala, kahit humina na ang Bagyong Ramon, nakatutok naman ang Philippine Navy sa mga naapektuhan ng Bagyong Sarrah.