Philippine Navy, wala pang namo-monitor na agresibong aksyon ng China Sa Atin Ito Civilian Mission sa WPS

Sa kabila ng napaulat na pagbuntot ng dalawang barko ng China Coast Guard sa MV Kapitan Felix Oca, na sinasakyan ng mga volunteer mula sa Atin ito Coalition para sa ‘Concert at sea for Peace’ sa West Philippine Sea.

Wala pang nakikitang indikasyon ng agresibong aksyon ang Philippine Navy (PN) mula sa mga barko ng China.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng PN para sa West Philippine Sea, nananatili ang presensya ng mga barko ng China sa paligid ng Pag-asa Island na malapit sa Subi Reef, isang lugar na inaangkin ng China.

Bagama’t wala pang agresibong kilos, hindi isinasantabi ng PN ang posibilidad ng pattern of aggression at coercive actions ng China, lalo na’t nagkaroon ng water cannon attack laban sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kamakailan.

Dahil dito, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Armed Forces of the Philippines o AFP Western Command (WESCOM) sa naturang misyon kung saan nakahanda ang Sandatahang Lakas na tumugon agad kung kinakailangan.

Facebook Comments