PHILIPPINE NUCLEAR POWER PLANT, PATULOY NA ISINUSULONG

Patuloy ang usaping pagsusulong ng Philippine Nuclear Power Plant sa pangunguna ng tanggapan ng ikalawang distrito ng Pangasinan na layong mabenipisyuhan hindi lamang ang Pangasinense bagkus ang bawat Pilipino para sa mas mura at maaasahang kuryente.
Matatandaang kaliwa’t kanan ang pakikipag-ugnayan ng nasabing tanggapan sa mga iba’t ibang nuclear agencies, mga opisyales ng mga katuwang na ahensya upang talakayin ang mga isyu at kaalaman, maing ang preparasyon at hakbangin na nakapaloob sa isinusulong na Nuclear Plant.
Kamakailan din ay naganap ang pagpupulong sa Department of Finance Secretary upang pag-usapan pa ang ilan sa mga bahagi na kinakailangan sa pagsasakatuparan nito.

Nabanggit din ni Cong. Cojuangco ang planong simulant na Pangasinan East West Highway na may layong makatulong sa turismo ng probinsya.
Samantala, patuloy din ang tanggapan ng ikalawang distrito sa information dissemination upang makapagbigay kaalaman sa magiging mga benepisyo ng pagsasagawa ng Nuclear Power Plant sa lalawigan at bansa. |ifmnews
Facebook Comments