Philippine Nuclear Research Institute, iginiit na napapanahon na ang paggamit ng nuclear energy dahil sa pangit na energy situation sa bansa

Dapat nang gumamit ng enerhiyang pang-nuclear ang bansa sa harap ng hindi magandang energy status ng Pilipinas.

Sa Laging Handa public briefing, ipinaliwanag ni Philippine Nuclear Research Institute Executive Director Carlo Arcilla na 50% ng enerhiya sa bansa ay umaasa sa coal na kung saan 90% sa pangangailangan sa coal ay nakadepende o iniaasa sa Indonesia na masyado ng mahal ang pagbebenta.

20% naman ay iniaasa sa Malampaya na ayon kay Arcilla ay papaubos na rin kaya’t wala na aniyang choice kundi gumamit na ng nuclear energy na ligtas naman kung tutuusing gamitin.


Sa katunayan, nasa 450 na mga bansa sa buong mundo ang gumagamit ng nuclear power at sa kaso ng Amerika ay nasa 20 percent ng kanilang source of energy ay nuclear.

Kung hindi aniya ligtas ito ay hindi mangangahas ang US at iba pang bansa na gumamit ng nuclear energy.

Dagdag pa ng opisyal na masyado na ring pahirap ang taas ng kuryente sa mamamayan na kung saan, 15 percent sa expenses ng bawat household ay iginugugol sa bayarin sa kuryente gayung kapag gumamit ng nuclear energy, magiging 1 percent na lang ang ilalaan na gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.

Facebook Comments