Philippine Nurses Association, tutol sa mungkahing alisin na ang board exams

Magkakaiba ang kalidad ng edukasyon sa mga kolehiyo.

Ito ang iginiit ni Philippine Nurses Association President Melbert Reyes kaugnay sa mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang board at bar exams.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Reyes na ito ang nagsisilbing taga-asses kung natuto talaga ang mga estudyante sa kanilang propesyon.


Bukod diyan, sakali aniyang tanggalin ang board exams para sa mga nurse ay inaasahang bababa ang lebel ng kwalipikasyon ng mga ito pagdating sa ibang bansa.

Ayon pa kay Reyes, posibleng bumaba rin ang morale ng ating mga nurse lalo na’t mahirap ang pinagdadaanan nila bago makapasa sa licensure exams.

Facebook Comments