Personal na bumisita si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa Pangasinan upang ibahagi ang adhikain nito para sa bukas na pakikipag-isa ng pamahalaan sa publiko.
Isinagawa kahapon ang naturang kaganapan sa Pangasinan State University kung saan inihayag ni Pangandaman ang pangunahing layunin ng programa.
Dito, inilatag niya ang importansya ng pakikialam ng mga estudyante sa pagkakaroon ng kaalaman sa budget ng bansa.
Buo naman ang suporta na ipinadala ni PSU President Elbert Galas sa personal na pagbisita ng kalihim.
Ipinakita rin ng mga opisyal ang kanilang panata para sa bukas at transparent na pamahalaan.
Samantala, pinasinayaan din ni Pangandaman ang pagbubukas ng Phase III ng Grand Legacy Building sa Unibersidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










