Kinondena ng Philippine Pharmacists Association, Inc. (PPhA) ang mass distribution ng Ivermectin.
Ayon sa naturang grupo, hindi basta-basta dapat ipinamamahagi ang isang gamot na hindi pini-prescribe ng doktor.
Anila, dapat itong ireseta sa isang pasyente matapos lamang ang masusing evaluation sa pasyente.
Hindi rin anila lahat ng gamot ay para sa pangkalahatan o sa general use ng publiko.
Tinukoy rin ng grupo ang nakasaad sa Republic Aat 10918 o An Act Regulating and Modernizing the Practice of Pharmacy in the Philippines kung saan hindi dapat basta-basta tinitimpla ang gamot o ibenebenta at pinamamahagi.
Dapat din aniyang may kumpletong impormasyon ang doktor na magbibigay ng gamot gayundin ang kumpletong impormasyon ng pasyenteng bibigyan nito.
Nagpaabot din ng suporta ang Philippine Pharmacists Association sa health care professionals, HPAAC, Department of Health (DOH) at iba pang medical societies para sa rational na paggamit ng mga gamot para hindi malagay sa peligro ang kalusugan ng publiko.