Ilulunsad ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023 – 2028.
Pangungunahan ng National Nutrition Council (NNC) ng DOH ang pagbabalangkas ng PPAN na nagsisilbing blueprint ng bansa para sa pagpapabuti ng nutrisyon sa Pilipinas.
Dito ilalatag ang mga target at prayoridad na aksyon upang gabayan ang mga ahensya ng pamahalaan, local government units, at iba pang stakeholder sa pagtugon sa lahat ng uri ng malnutrisyon.
Sa pangunguna ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa, nakatakdang dumalo sa National Launch for the Philippine Plan of Action for Nutrition sina:
DA Undersecretary Mercedita A. Sombilla,
DILG Sec. Atty. Benjamin C. Abalos, Jr., (TBC)
DBM Sec. Amenah F. Pangandaman
DOLE Sec. Bienvenido E. Laguesma
DSWD Sec. Rex T. Gatchalian,
DTI Sec Alfredo E. Pascual
DOST Sec. Dr. Renato U. Solidum
NEDA Sec. Arsenio M. Balisacan,
Romeo M. Dongeto, Executive Director, Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (TBC)