Binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Research and Training Center para sa development ng Human Resources sa Railway Sector.
Ito’y matapos itatag ng Pangulo ang Philippine Railways Institute (PRI) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Executive Order 96, na pinirmahan ng Pangulo noong November 21.
Ang PRI ay minamandatong bumuo at magrekomenda ng mga panuntunan partikular sa promotion ng safety sa Train Operations, at maglatag ng Rules and Regulations para sa paglalabas ng Certificates para sa Competence ng mga Railway Personnel, kabilang ang mga Train Drivers.
Ang Training Center ay tutulopng sa pagpapatupad ng mga batas at patakaran sa Human Resources Development para sa sektor ng riles, lalo na sa pagdetermina at pangongoklekta ng fees, dues, o assessments na may kinalaman sa certificates at accreditations.
Ang PRI ay pamumunuan ng Executive Director na itatalaga ng Pangulo.