Baggao, Cagayan – Namahagi ngayong araw ng relief goods ang Philippine Red Cross-Cagayan sa tatlong barangay sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Sa pahayag ni Ms. Aileen Torres ng PRC-Cagayan, aniya ang barangay ng Adaoag, Sta. Margarita at Awallan ang binigyan ng mga non-food items tulad ng plastic mat, kumot, tarpaulin, jerry can at hygiene kit kung saan ito umano ay para sa kabuuang 945 na pre-identified na nakaranas ng malalang pinsala ng bagyong ompong.
Idinagdag pa ni Ms. Torres na personal umano na nagsadya ang assessment team ng red cross upang tingnan ang mga barangay na wala pang naibigay na tulong bagamat patuloy parin umano ang PRC Cagayan sa pagtukoy ng iba pang bayan upang mabigyan ng ayuda.
Samantala kahapon ay nagmula umano ang PRC staff at valunteers sa dalawang barangay sa Sta. Ana Cagayan at namahagi ng portable water purifier sa pakikipagtulungan umano ng Metropolitan Water District na patuloy rin na umiikot sa buong Cagayan upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangn.