Philippine Red Cross handa ng tumugon sa nCov-ARD

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) na mas pinaigting pa nila ang kanilang paghahanda sa pamamagitan ng  pagbibigay ng mga Personal Protective Equipment sa  kanilang mga Frontline Staff at Volunteers upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang hinahawakan nila ang mga kasong hinihinalaang mayroong taglay na  2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory (nCoV-ARD).

Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senador Richard Gordon ang pag-iwas o pagpigil sa kumakalat na Coronavirus ang pinaka mahalaga sa lahat kayat na nais ng PRC na ligtas ang lahat ng kanilang mga tauhan.

Paliwanag ni Gordon dalawang klase ng Personal Protective Eaquipment ang ginagamit ng  Philippine Red Cross,ang basic set ay ang  standard set na ginagamit ng mga  frontline workers na nakikipag-ugnayan sa mga pamilyang hinihinalaang pasyente, habang ang frontline set ay para nmaan sa mga staff na mayroong  direktang contact sa mga kumpirmadong mayroong kaso ng Coronavirus gaya ng mga nakatalaga sa mga ambulansya.


Giit ng Senador ang naturang mga Staff ay kinakailngang magsuot ng three-layered clothing, double masks ang medical N95 at surgical masks, at double gloves para sa kanilang extra protection.

Facebook Comments