Cauayan City – Bumisita ang Philippine Red Cross Isabela Chapter sa lungsod ng Cauayan kahapon, ika-19 ng Nobyembre upang maghatid ng Humanitarian Aid sa mga naapektuhan ng bagyo.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Mark Oliver Alimuc, Officer ln Charge sa Philippine Red Cross Isabela Chapter – Cauayan Branch, kabilang sa binisita nilang lugar sa lungsod ng Cauayan ay ang Brgy. Nagcampegan, at Purok 12, Brgy. Villa Luna, Cauayan City, Isabela.
Namahagi sila ng Hot Meals at maliban dito, nagkaroon din Psychological First Aid para sa mga bata, medical assistance, at first aid station kung saan kanilang sinuri at ginamot ang mga tiamong sugat ng mga residente noong kasagsagan ng bagyo at pagbaha.
Sinabi ni OIC Alimuc na Tuluy-tuloy ang gagawin nilang pagbisita sa iba pang mga lugar at nananawagan rin ito sa publiko lalo na sa mga nais na magpaabot ng tulong para sa mga lugar at indibidwal na naapektuhan ng bagyo.
Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!