*Cauayan City, Isabela*- Umaapela ang Philippine Red Cross-Isabela Chapter sa publiko sa mga nais magdonate ng dugo sa kabila ng kakulangan nito hindi lamang sa probinsya maging sa buong mundo.
Ayon kay Administrator Stephany Cabrera ng PRC-Isabela, may ilang paraan aniya para makapagbahagi ng dugo sa kabila ng umiiral na ‘Enhanced Community Quarantine’ at ito ay ang ‘Home Donation’.
Sa pamamagitan aniya nito ay maaring makipag ugnayan sa mga health authorities sa bawat munisipyo o di kaya ay personal na magtutungo ang mga kinatawan ng PRC sa mga residente na nais magdonate ng kani-kanilang dugo.
Samantala,sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ay namahagi na rin ng ilang PPE o Personal Protective Equipment ang Red Cross sa mga frontliners para makatulong sa pagpapatupad ng nasabing kautusan ni Pangulong Duterte.
Paalala naman ng PRC sa publiko na pairalin pa rin ang Social Distancing para makaiwas sa posibleng pagkalat ng COVID-19.