Philippine Red Cross local chapters, tumanggap ng mga bagong motorsiklo para sa kanilang pagresponde sa emergencies

Pinangunahan ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman and CEO Sen. Dick Gordon ang online turnover ng mga motorsiklo na may insulated top box sa PRC local chapters.

Kabilang sa nabigyan ng mga motorsiklo ang Philippine Red Cross chapters sa North Luzon, Central Luzon, South Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao.

Noong May 2020, ang Honda Philippines Inc., ang nagbigay ng 104 motorcycle units sa Red Cross para lalo pang mapabilis ang pagresponde ng PRC sa mga emergency.


Ayon kay Sen. Gordon, malaking tulong ang mga donasyong motorsiklo ng Honda Philippines Inc., ngayong pinalalawak nila ang kanilang kapasidad para mas marami pang lugar ang maabot ng kanilang tulong.

Bukod sa mga motorsiklo, sumailalim din ang mga staff at volunteers ng Red Cross sa Honda Safety Training para sa motorcycle riders, partikular ang hinggil sa tamang motorcycle operations at road safety.

Ang training ay binubuo ng 3 oras na classroom lectures at 3 oras na practical motorcycle handling.

Facebook Comments