Philippine Red Cross, lumagda ng MOA sa 2 pribagong kumpanya para sa bloodletting drive

Lumagda ang Philippine Red Cross ng kasunduan sa dalawang kumpanya na makakatuwang nito sa pagpapaigting ng bloodletting activities.

Partikular na lumagda sina Red Cross Chairman and CEO Richard Gordon at PRC Secretary General Gwendolyn Pangan sa University of Perpetual Help College at JCI Manila.

Ayon kay JCI Manila Sec. General Michael Sean Uy, hindi lamang sa Pilipinas ang sentro ng kanilang proyekto, kundi pumasok na rin sila sa international bloodletting project.


Aniya, mayroon rin silang 20 venues sa buong bansa para sa bloodletting drives.

Sa panig ng Perpetual Help College, tiniyak ni Dr. Arnaldo De Guzman na bukod sa bloodletting drive, may disaster training silang ginagawa at ang bawat mag-aaral anila sila ay nagsisilbing katuwang nila sa pagsuporta sa bawat adhikain ng Red Cross.

Samantala, muling nag-donate ng 1-million pesos sa PRC ang pamilya ng photojournalist na namayapa sa sakit na cancer at natulungan noon ng Red Cross na si John Cedrick Oranga.

Sa nakalipas na taon, mahigit 100 ding mga pasyente ang natulungan sa P500,000 pesos na donasyon ng Pamilya Oranga.

Facebook Comments